Update update ulit! ^ __ ^
Dati di ba naka-Rusi Korak ako, si Skywalker... Ngayon po ay naka-Yamaha Mio Gear na po ako.
Meet Achi, my baby... my noble steed... my loyal friend na kasama ko sa lahat ng mga rides, mga semplang, etc. etc...
Mas marami pa akong experience sa pagra-ride na kasama ko si Achi kesa kay Skywalker. Pero actually pareho lang silang dalawa, bumabagsak din at sumesemplang kasama ko. Hehehe...Kay Skywalker noon, parang dalawa or tatlong beses ko yatang nabagsak yung motor na yun. XD
Si Achi parang dalawang beses din pero natuto rin talaga ako. Si Achi na kasi yung ginagamit ko nung mag-umpisa ako mag-City Riding talaga.
Si Skywalker is more of unang motor ko, unang lab lab ko. Pero ayun, nandun na siya sa tatay ko ngayon. Siya na ang owner ni Skywalker. Meron din kasing sad story yang si Skywalker noon. Hindi ko na siya nababayaran ng consistent. Kaya yung tatay ko ang laging sumasalo. T^T
Mula din noon eh hinayaan ko na sa kaniya yung Rusi Korak. Sad lang pero at least natuto na rin ako ngayon. Na-fully paid naman na ni Daddy si Skywalker kaya marapat lang na sa kanya talaga si Skywalker. Maingat si Daddy doon sa motor na yun kaya hanggang ngayon mukhang bago pa rin.
Fully paid na rin si Achi, by the way. Hahaha!!! XD
Pinilit ko rin talagang mabayaran in full, at pinilit ako ng mga kapatid ko na matulungan ako. Parang may 2 or 3 payments talaga na sila rin ang sumalo - nakuha ko kasi si Achi nung parang malapit na ako magkaron ng mental breakdown sa trabaho. Lumipas ang mga 1 year, nag-resign ako kasi talagang hindi ko na kaya. So wala na akong pambayad ng motor!?! Pinagsabihan ako ng brother ko na wag na wag ko talagang hahayaang hindi mabayaran ang motor ko dahil kapag nawala ang motor ko, mas lalo akong "pilay." Kasi mawawalan ako ng mode of transport. Imbes makaka-raket raket sana ako or makakapunta sa mga job interview, lalo pang mawawala yung kakayahan kong makagalaw mag-isa kapag nawalan ako ng motor.
Iba ang appreciation ko kay Achi. Ayaw ko siyang ibenta kung sakaling kukuha ako ng manual na motor (kasi gusto ko pa ng manual na motor - kahit isa lang, kahit hindi mataas na CC).
Si Achi ang naka-witness halos lahat ng dinaanan kong paghihirap for the past 2-3 years.
Kay Achi ako natuto nyang mga change oil, magpalit ng air filter, yung pagdadala sa mekaniko at kumausap ng mekaniko, at marami pa.
Tsaka kahit kumuha ako ng manual na motor, gusto ko may automatic pa rin.
Para kapag napagod ako sa kaka-kambiyo, pwede ako magpahinga at mag-scooter ng ilang araw. XD

No comments:
Post a Comment