Masaya ako para sa kapatid ko kasi nakakuha na siya ng motor. Hehe. Rusi SSX 200. Unlike before, hindi naman ako nakakaramdam ng inggit ngayon. Pangit pakinggan pero sa totoo lang andami ko nang kina-inggit sa baby brother ko. Hehe. Yung computer shop business na sinuportahan siya, nung tinuruan siya mag-drive ni Daddy, tapos ngayon sinamahan at pinayagan siya kumuha ni Daddy ng motor. Masaya ako para sa kapatid ko and advantageous din yun para sakin kasi makakapag-practice muna ako sa manual bago ako kumuha ng sarili kong motor. Bwahahahaha!!! XD
Pero bigla rin akong napatanong, kelan kaya ako kukuha ng sarili kong motor? Umpisa pa lang ng April and up til now excited talaga akong kumuha ng motor. Dumating nga sa point na sumama ang loob ko kay Daddy at nasabihan akong balat-sibuyas dahil sa mga pag-uusap namin about the dangers of motorcycling.
So ayun, I really couldn't say that my financial status is holding me back kasi kaya ko naman talagang gawan ng paraan na magka-pera. Medyo sa-id ako ngayon. Anak ng tokwa Taxi kasi ako ng taxi recently dahil sa 6AM shift ko. It's probably because masyado akong nasanay na nakiki-angkas sa mga naka-motor and it takes me a very short amount of time to get to work. Tsaka hindi ko alam, baka gusto ko yung convenience ng motor in terms of time kaya kahit napapa-taxi ako okay (?) lang kasi umalis ako sa bahay ng walang allowance, makakaabot ako.
Is it the thought that I should put my life in order before I get my own motorcycle? Or procrastination? What is it that holds me back? Ewan. Grabe ko ka-overthinker noh? Pero sige, puntahan natin yang mga aspects na yan.
Financially, I'm in deep shit. Yung credit card ko Php15,000 lang naman ang limit, hindi ko mabayad bayaran. And guess what, naka-max out yun. Wala akong savings na maayos. Php1000 lang laman ng passbook ko. Pero meron naman akong life insurance with investment kahit medyo kauumpisa pa lang. Mag-iisang taon pa lang yun. And this cutoff nga, andami kong utang maliban pa sa mga loan ko.
Bakit kaya ako nagkaganyan? Isa lang maibibigay kong sagot. Magastos talaga ako. I fucking like convenience and not working too much. Hindi ako smart sa money ko. Or at least, hindi ko pa nababago yung gusto kong baguhin sa sarili ko, which is yung pagiging magastos nga. Lagi kong excuse na I have financial responsibilities sa family pero hindi naman kasi talaga mawawala yun. Ang gusto ko talaga is mawala yung responsibilities ko para matustusan ko mga kagustuhan ko (like yung motor) kasi nga magastos ako. Sabi nila makakatipid daw ako sa pagmomotor. Really? Sa case ko ewan lang ha. If I were to use a motorcycle to go to work everyday baka pwede. Pero hindi lang naman maintenance and gas ang kailangan kong i-take into account. May parking fee pa po, mga teh. :)
Konektado yan sa habits ko eh. Hirap ayusin ng sarili lalo kapag nasanay ka sa dynamics nyo sa bahay. Not sure I gotta explain this so I won't.
So kaya ko naiisip na "ayusin" muna ang buhay ko bago ako magdagdag ng kahit ano pang pagbabago. So kung kelan ako makakakuha ng motor.. Ewan. Most likely, matagal pa.
No comments:
Post a Comment