Wednesday, August 16, 2023

Rider Ka Ba Talaga???

(My thoughts back in March 2017...)

Tanong ko yan sa sarili ko more than anyone else.

Sa totoo lang kasi antagal kong natigil sa pagmomotor (like... more than 6 months. T^T) tapos ngayon si Skywalker ang gumagamit eh si Daddy. Mas naging useful pa ngayon yung motor ko sa tatay ko kesa sakin.

Napapatanong ako sa sarili ko kung rider ba talaga ako o hindi kasi nga antagal ko natigil. Na-engganyo lang ba talaga ako ng pinsan ko? Dahil ba sa pagkakaroon ng boyfriend kaya ako nawalan ako ng oras sa pagmomotor? Sobrang duwag ko ba talaga sa kalsada? Ano raw bang ikinakatakot ko? Sabi pa ng boyfriend ko bakit daw ba ako kumuha ng motor in the first place kung talagang hindi ko pa kayang harapin yung takot ko?

Ewan... Hindi ko alam kung dahil dito pero kasi nga po... sa sobrang pagka-overthinker ko... Nasa-stuck ako sa buhay. Kung tutuusin napaka-ikling oras lang sana para gumaling ako sa pagmomotor pero instead, na-stuck up ako ng ilang buwan dahil sa sobrang kaka-overthink kapag niyayaya akong mag-ride nina Kuya. Gusto kong masunod yung kahilingan ko na mag-ride kami sa isang village. Kumbaga, sanayin ko muna yung sarili ko na gamitin yung motor ko bago ako sumabak sa kalsada. Minsan din naman naiisip kong lumabas sa kalye mag-isa. Andaming beses ko nang naisip pero hindi ko pa rin yan nagawa. Ewan ko ba.


No comments:

Post a Comment

This Blog is My Outlet

I would like to be blatantly honest with what I post online... Sadly, however, I'm not very comfortable in my own skin. I'm very sen...